2019 Pampaswerte, mga dapat gawin para maging maswerte ang Bagong Taon mo. Here are some tried and tested New Year’s Celebration For Luck:
Celebrate Media Noche at your home. You have to celebrate the New Year’s eve countdown to your own place. Para itataboy mo ang malas at ikaw mismo ang tatanggap ng swerte na darating sa bahay mo/nyo.
13 round fruits. Maghanda sa lamesa ng iba’t ibang klaseng prutas. Bakit dapat ay 13 rounds fruits? Dahil ang bawat prutas ay nag re represent ng buwan sa loob ng isang taon. May pasobrang isa para sa sobrang biyaya na matatanggap mo. This symbolizes your gratefulness for the coming year. Naghahanda ka ng prutas bilang pasasalamat sa pagiging swerte mo sa darating na taon.
- Pakwan
- Apple
- Pears
- Green Pears
- Ponkan
- Dalanghita
- Melon
- Grapes
- Pomelo
- Green Apple
- Chico
- Green Grapes
- Kiat Kiat
- round papaya
- round guava
- atis
- Kaymito
- Lychee
Maghanda ng mga swerteng pagkain sa Media Noche. Ang mga maswerteng pagkain o handa sa New Year’s eve ay baboy, baka, o isdang malaki (huwag yung matinik na isda). Maganda din na samahan ng pagkain na gawa sa malagkit gaya ng Arroz o Biko. Huwag ka daw maghahain ng manok kase magiging isang kahig, isang tuka ka. Huwag ka din daw maghahain ng crab kase gagapang ka sa hirap.
Magsuot ng lucky colors sa New Year’s Celebration. The lucky color for 2019 is red, orange, and pink. Coincidentally, the Pantone Color of the Year is Living Color which is in the spectrum of red-orange.
Magsaboy ng maraming barya pagpatak ng alas dose sa New Year’s Eve. Mas maraming barya, mas matunog. Magkalat din ng mga barya barya sa loob ng bahay bago sumapit ang alas dose para pagpasok ng Bagong Taon maraming pera ang nakakalat sa bahay.
Buksan ang lahat ng ilaw sa bahay bago sumapit ang baong taon. Dapat maliwanag at bukas lahat ng ilaw sa bahay bago sumapit ang pumatak ang alas dose ng gabi.
Punuin ang lagayan ng bigas, asukal, at asin bago pumasok ang bagong taon. Maganda itong pampaswerte dahil ibig sabihin buong taon na puno ang lagayan mo pagkain.
Siguraduhin nakasarado ang mga bowl sa banyo sa pagpasok ng bagong taon. Kung walang takip ang bowl, kahit ang pinto ng banyo. Pwede mo din buksan ang tubig sa gripo sa pagsapit ng Bagong Taon para tuloy tuloy ang pasok ng grasya.
Mag ingay para itaboy ang malas sa pagpasok ng Bagong Taon. Loud music, loud sounds, i on ang alarm ng kotse, mag torotot kayo. Mag ingay kayo sa lahat ng sulok ng bahay ninyo. Ikutin nyo ang buong bahay ninyo na nag iingay.
Pray and wear a smile. Mag alay ng pasasalamat para sa taong nagdaan at mag baon ng magandang ugali para sa bagong taon. Maging masaya sa pagsapit ng bagong taon para mas lalo pa pumasok ang swerte sa buhay mo.
Leave a Reply