Sobrang uso talaga online scam ngayon and very creative ang mga scammers. From text message scams to sobrang elaborate na way ng pag scam. Let’s concentrate sa online shopping since magpapasko na, marami na ang mamili sa online. I am going to share this to you: 5 Tips Iwas Online Shopping Scam Philippines. But before that, let me just share with you some of the most or top online scam here in the country:
Have you heard of the cheap cellphones (usually iPhone) scam? Yung kunyari galing sa Smart o Globe yung phone kaya mura ibibigay sayo. Here are some talking points of this kind of scam:
- Mura ang phone (usually 10K or 20K less than orig price)
- Sasabihin galing sa Globe or Smart
- Mamadaliin ka kase paubos
- Money transfer kahit down muna
- Meeting place na medyo malayo sayo.
Marami ang nabibiktima dito because of the cheap price. So please beware of this, if it is too good to be true, scam yan!
Cash on delivery Scam. Another scam na hit sa social media ay yung Cash on Delivery scam. Kunyari may delivery sayo tapos COD. Akala mo naman totoo kase mukhang legit pero yun pala, SCAM at fake ang laman. Madalas bato o kaya lesser value ng binayaran mo ang laman.
Bogus Seller. Ito naman ang pinakamatanda ng klase ng scam. Yung nauto ka ni seller tapos nagbayad tapos bubye na. NGANGA.
O ito na, 5 Tips Iwas Online Shopping Scam Philippines:
5 Tips Iwas Online Shopping Scam Philippines
ALWAYS LIST YOUR ONLINE PURCHASES. Lista mo lahat ng delivery sa bahay mo para hindi ka malito. Lista mo din ang presyo at yung detalye. Kung pwede lang gumawa ka ng white board or cork board kung saan andun lahat ng expected delivery mo, tutal bisyo na ito eh.
COD AND ORIENT YOUR FAMILY. As much as possible opt for COD or cash on delivery. At para iwas scam, orient mo ang mga kasama mo sa bahay at ipakita mo yung white boar mo na listahan.
USE GCASH OR OTHER VALID PAYMENT METHOD. Kung walang COD, ask for GCASH. Use Gcash dahil very legit ito, ang hirap po mag pa verify dito. Kailangan talaga ng VALID ID. Paano mag ka GCASH? Apply ka dito: : https://gcsh.app/r/FAqb2wS
Paano maglagay ng pera sa GCASH? 5 Ways To Load Your GCash Wallet
ASK FOR SELFIE WITH VALID ID. Kung sa online seller ka bibili, para iwas scam, ask for a selfie na kasama ang valid ID nya. Pag ayaw magbigay ng selfie with VALID ID, wag ka na bumili sa kanya. Kapag hindi kamukha ang nasa VALID ID at sinasabi na nag pa Belo sya, wag ka maniwala beh. SCAM YAN.
WAG MANIWALA SA MURA. Dito madalas mabiktima ang mga tao. Always remember, pag sobrang mura, scam yan or fake yan. Ask your mommy friends before buying. Wag basta basta maniwala sa sale
Rizza briones santiago says
September 9, 2019 at 5:34 pmPano po mangutang sa gcash