Magkano na ang iyong naipon mula sa ipon challenge? Pwede na ba iyan na pangdown sa house and lot na gusto mong bilhin? Huwag muna excited beshie, kulang pa iyan at malamang maghintay ka pa ng December bago mo magamit bilang panimula sa negosyo man o pang down sa bahay.
Pero alam mo ba na may mga paraan para lumago yung perang naitatabi mo para sa ipon challenge habang nagiipon ka pa tuwing lingo? Pwede mong ilagay sa bangko ang iyong ipon challenge, as low as 500 pesos na initial deposit ay kikita ka ng .50%. Kung naliliitan ka sa kita sa bangko, meron ding tinatawag na stocks investment.
Narito ang ilang tanong mula sa mga taong curious sa stocks:
Ano ba yung stocks, kikita ba talaga ako dyan?
Stocks
It is used to define the ownership of a person to a certain corporation. Meaning, isa ka sa mga investors sa isang company. Kung lumago ang kit ng company, kikita ka din. Kund may lugi naman, malulugi ka din.
Stockholder
Yan ang tawag sa taong bumili ng stocks. Tinatawag din itong stock investor or shareholder. Maraming stockholder sa isang corporation at anytime kung kailangan ng pondo, maaari pang dumami ang maginvest sa stock ng isang corporation.
Types of Stocks: Common Stock at Preferred Stock
May dalawang pgkakaiba ang dalawang type ng stocks. Una, sa karapatang pagboto- ang common stockholder ay may right to vote, while and preferred stockholder ay walang karapatang bumoto sa isang corporation meeting. Pangalawa, sa pagkuha ng claim- kapag nalugi o nagdeclareng bankruptcy ang isang corporation, ang common stockholder ay ang huling makakakuha ng claim, kung ano man ang matira. Samantalang ang preferred stockholder ang unang makakakuha.
Maliit ang sweldo ko, pwede ba ako dyan?
Beshie, kaya nga mayroong ipon challenge.Yung maliit kasi pag pinagsama sama ay lumalaki din lalo na kapag twing lingo ay nadadagdagan. Kung nagsimula ka sa 50 ipon challenge, sa first week ng April ay meron ka ng pangsimula para sa stock investment mo.
Paano ako bibili? Saan?
Stock Market
PSE o Philippine Stock Exchange, ito ang stock market sa Pilipinas. Dito nagkakaroon ng buying at selling ng stocks na tinatawag ding stock trading. Stock exchange naman ang tawag sa lugar kung saan nagkakaroon ng stock trading. Pero hindi ka basta basta makakpasok dito. Ang stock market ay parang isang palengke, merong nagtitinda, meron namimili, at meron ding middleman. Stock buyer ang tawag sa individual na bumibili ng stock, stock seller naman ay ang nagbebenta katulad ng mga corporation or stockholder, at ang middleman naman ay kilala sa tawag na stockbroker.
Buying of Stock
Para makabili ka ng stock, kailangan meron kang stockbroker. Isa sa mga popular na stockbroker ay ang COL Financing, as low as 5,000 initial investment ay pwede ka ng bumili ng stock. Kung kaya, sa first week of April ay pwede ka ng maginvest mula sa ipon challenge mo kung nagumpisa ka sa 50 pesos. Kung sa 100 ka naman nagumpisa, first week ng March ay pwede ka na maginvest.
Kung meron na ako share sa stocks, pano ko yun mababantayan e may trabaho din ako?
Ang stock ay hindi naman kailangan bantayan. Ang stockbroker ang maguupdate sayo kung anong nangyayari sa loob ng stock market, sila ang may access doon. Ang COL Starter pack ay may kasamang basic research reports, standard market information, and end-of-day charting data. Dito mo pwedeng imonitor ang nangyayari sa stock investment mo. Kung kaya bago ka maginvest ay alamin mo muna nag background ng stockbroker at kung mayroon kang mga kaibigan na stockholders, huwag mahihiyang magtanong.
Types of Stockbroker- Full-Service Broker and Discount Broker
Ang Full-Service broker ay nagbibigay ng financial advice at analysis kung saan maganda at kelan dapat maginvest. Ang Discount Broker naman ay nagbibigay din ng advice pero limitado lang, tinatawag din itong online broker. In terms naman sa service fee, medyo expensive lang ang Full-Service Broker, samantalang and discount brooker ay commission-based lang.
Bakit yung kaibigan ko na naginvest e nalugi lang?
Katulad ng ano mang klaseng negosyo, ang stock ay meron ding risks. Bukod sa bankruptcy, maari ding bumaba ang value ng stocks. Kung kaya may mga stockbroker na tutulong sayo sa pag analyze ng stock exchange.
How to Profit From Stocks
Meron dalawang paraan para kumita sa stocks- capital gains and dividends. Ang capital gains ay kapag ibinenta mo ang iyong stock sa magandang presyo. Halimbawa, nakabili ka ng 10 shares sa isang corporation at bawat share nabili mo ng 1,000 pesos. After a few months, tumaas na ito ng 1,500 kada share. Kapag ibinenta mo ito, ang 10 shares mo ay magiging 15,000 so kumite ka ng 5,000 pesos. Maari mo na itong ibenta at mgkaroon ng capital gains. Kapag bumaba naman ang presyo at nagdesisyon ka na ibenta ang stock mo, magkakaroon ka naman ng capital loss. Pwede mo rin itong i-hold. Ang Dividends naman ay parang incentives ng isang corporation sa mga stockholders. Kung maganda ang takbo ng performance at ekonomiya, ang mga companya ay nagbibigay ng dividends. Ang dividend na i-issue ng company at i-times mo lang sa share na meron ka. Halimbawa meron kang 10 shares at nagbigay ng 10 pesos dividend ang company, so makakakuha ka ng dividend na 100 pesos. Mas lalaki ito kung malaki din ang investment mo sa kanila.
Step by Step Procedure How To Start Sa Stocks
- Look for a stockbroker and open an account- ihanda mo na din ang mga requirements
- Fund your account- minimum ay 5,000 pesos, kung may extra ka naman, pwede mong dagdagan
- Buy stock- bili na beshie pero huwag excited, magtanong ka sa stockbroker o sa mga kaibigan mong bihasa na sa stock. Magresearch ka din, maganda ding maginvest sa mga company na familiar sayo o yung mga sikat kaya lang, expect mo na mas mahal ang presyo ng stock nila.
Pwede mo ng ihold o isell ang iyong stock para maenjoy ang kita. Araw araw ay nagbabago ang presyo ng stock, hindi porke mataas ngayon ay tataas pa ito bukas. Maging mapagmatyag sa galaw ng stock exchange. Kung malugi ka sa unang pagkakataon, hindi pa ito katapusan ng mundo beshie. Ang stock ay isa lamang sa mga pwede mong paglagyan ng pera mua sa ipon challenge. Kung susuriin mabuti, mas madali mong makikita ang galawan sa stock market. Remember, bago mo ito pasukin, magresearch ka muna tungkol sa mga stockbrokers at pumili ng mabuti. Check mo din ang mga reviews at humingi ng payo sa mga may experience.
Leave a Reply