Happy New Year guys! It will New Year in a few days and I am very excited for so many reasons. Number one is, I am turning 36 in 2018. Another reason is, I love any number that ends with 8, I feel like I will be more swerte this coming year. Feel mo din ba na mas magiging swerte ka sa 2018? Or naghahanap ka ng mga Pampaswerte sa 2018? Ano ba ang dapat gawin for New Year para mas maging swerte?
Pampaswerte sa 2018: New Year Tradition For Luck
13 Round fruits Maglagay ng mga bilog bilog na prutas sa lamesa kung saan gagawin ang handaan para sa New Year’s eve. Why 13? It represents every month of the year plus 1 more month, giving you more than what you need for. Bakit daw bilog? Because it represents endless blessings. Mga example ng bilog na prutas:
- Pakwan
- Apple
- Pears
- Green Pears
- Ponkan
- Dalanghita
- Melon
- Grapes
- Pomelo
- Green Apple
- Chico
- Green Grapes
- Kiat Kiat
- round papaya
- round guava
- atis
- Kaymito
- Lychee
Aside from fruits, maswerte din na maglagay ng chocolates at coins sa lamesa.
Coins. Pagdating ng 12 midnight, maghagis ng barya sa loob ng bahay, usually ginagawa ito sa sala or kung saan ang pasukan ng bahay. Magtago din ng mga barya sa buong bahay pero ilagay ito kung saan madali ito makita.
Loud Sound and music. Pagdating ng 12 midnight mag ingay ng mag ingay para itaboy ang malas. Sabayan ito ng patugtog ng masasayang kanta to welcome swerte.
Lights. Dapat bukas lahat ng ilaw sa bahay mo pagsapit ng alas dose. Lahat ng ilaw pati sa banyo o kusina o garahe, basta dapat lahat ng ilaw ay nakabukas.
Food for New Year’s Eve. Ano ba ang swerteng handa for New Year’s Eve? Para mas maging swerte pa ang taon mo, maghain ka ng isdang malaki for New Year’s Eve (fish suggestions recipe). Pwede din naman ang karne o baka pero huwag na huwag ka daw maghahain ng manok at crab. Magiging isang kahig isang tuka ka daw pagh naghain ka ng manok for New Year’s Eve. Gagapang ka naman daw sa hirap pag crab. Maganda din na maghain ng pansit o kahit anong noodles for long life. Maganda din daw na may handa na malagkit gaya ng biko.
Clothes to wear. Ayon sa matatanda, maswerte magsuot ng polka dots pag New Year. Pwede ka din magsuot ng mga lucky colors for 2018 like green, black or blue. Basta kahit ano pa ang suot mo, siguraduhin mo na may lamang pera ang bulsa mo.
Rice, Salt, Sugar, Water, and Coffee. Dapat pagsapit ng New Year puno ang lagayan mo ng tubig, kape, asukal, asin at bigas.
We usually practice most of the traditions listed here. I can say na maswerte talaga ang taon ko every year. Of course hindi lang naman reason yung mga Pampaswerte sa 2018 para maging maswerte taon mo, hard work din mga guys at samahan ng dasal at pagiging mabait sa ibang tao.
HAPPY NEW YEAR!
Leave a Reply