Hallmark Christmas Warehouse Sale Pasig round 2! Yes, round na ito. The first round was last Nov 14. Some of our finds were posted on Mommy Blogger Pehpot Facebook Page.
Hallmark Christmas Warehouse Sale Pasig
It’s actually not just Hallmark. Filstar, the company distributing Hallmark in the Philippines, is the one hosting the warehouse sale. Kaya lang pinaka famous na product talaga nila ang Hallmark eh, so let’s stick to Hallmark Christmas Warehouse Sale Pasig.
Aside from Hallmark, brands included sa warehouse sale ay:
- Art Attack (clay, art materials, coloring materials, paper supplies and more)
- BIC (writing, pens and lighters)
- Craft Easy (arts and crafts supplies)
- Creations Balloons
- Martha Stewart arts and crafts brand
For Hallmark brands, may mga Christmas gift wrappers for as low as 3 Pesos (meron pa 3 pcs for 5 pesos including gift tags). Meron ding paper bags for as low as 10 Pesos (will verify the price). Of course meron din Hallmark cards.
Paano pumunta sa Hallmark Christmas Warehouse Sale Pasig?
Pagdating sa Pasig Palengke, hanapin mo yung Jollibe. Sa likod ng Jollibee may mga pila ng tricycle doon. Hanapin mo yung PROFMATODA or toda na papuntang Pasig Rainforest. Sabihin mo ibaba ka sa bungad ng Jenny’s Avenue Extension, sa may gasolinahan. Pagbaba mo doon, laka ka lang ng kaunti, makikita mo na yung warehouse. Pwede ka din mag special na tricycle, mga 50 Pesos ang fare. Sabihin mo lang ibaba ka sa Jenny’s Ave Ext yung may sale.
Taguig Area: may Pasig Palengke sa Market-Market.
Manila Area: Sakay ka ng Pasig Palengke na FX, meron nyan sa Quiapo.
EDSA: May FX ng Pasig Palengke sa Megamall or sa Robinsons
Cainta/ Taytay/ Antipolo: Sakay ka ng jeep/ bus na pa Robinsons or pa Quiapo tapos baba ka sa Jenny’s. Tawid ka then baba ka sa parang talipapa or palengke. Pumasok ka sa loob noon at lumabas sa may kalsada, sakay ka ng tricycle tapos sabihin mo lang sa extension dun sa may sale. Mga 50 Pesos ang pamasahe.
Nagtitipid? Pagbaba mo ng Jenny’s lakad ka papunta sa ilog, may sakayan/pila ng tricycle doon. Sumakay then bumaba ka bago mag tulay (sa may health center). Lakad ka pababa then may pilahan ng tricycle sa dulo ng tulay (lagpas ng maliit na police stall). Sakay ka doon then sabihin mo sa Jenny’s extension ka lang bababa. From kanto ng Jenny’s extension, makikita mo na ang sale.
May sariling kotse? Walang parking doon pero madali sya makita sa Waze. Type mo lang LAN GAS STATION (Francisco Legaspi Avenue) halos katapat/ katabi na yang ng Hallmark Christmas Warehouse Sale Pasig.
For my good finds para sa round 2, please check Mommy Blogger Pehpot Facebook Page.
Leave a Reply