Manonood na ako ng Ang Probinsyano eh (tapos Panagako Sa’yo… tapos On The Wings of Love).. sabi ko ilipat ang TV sa Channel 2.. DEADMA ang mga bagets! Napa litanya tuloy ako..
Ang sabi ko ilipat na ninyo sa Channel 2 ang TV! Bakit ba ayaw ninyo akong sundin?!? Para akong sirang plaka dito kasasabi sa inyo ng mga dapat at hindi nyo dapat gawin. Pagod na pagod na ako! Baka akala ninyo.. may gatas pa kayo sa labi. Alam na alam ko ang mga ginagawa ninyo. Papunta pa lang kayo, pabalik na ako… Sige subukan ninyo.. subukan ninyo ako.
Eh lalo akong hindi pinansin at nakatingin lang sa akin na parang walang naintindihan sa mga sinabi ko..
Maya- maya, eto na si panganay…
[tweetthis]Sirang Plaka? Tengang Kawali? Here are some Pinoy Phrases Moms should STOP using! [/tweetthis]
“My, ano ba ang plaka?”
AY JUSMIYOOOOOO! ANO DAW?!? Wala ngang naintindihan sa mga pinagsasabi ko! Sumakit lang lalamunan ko kaka litanya!
And that’s the story behind this blog post. GENERATION GAP! huhu
Some of the things that my lola and lolo used to tell me is no longer comprehensible for the youths today. I am saying that not just from my “litanya”experiences. When I explained to my boys what Plaka is all about.. that’s the only time they realized what it means when someone says “para akong sirang plaka.” My first born said that most of their teachers used that term but no one in the class really knows what it really means.
It makes me wonder, maybe the kids nowadays is really not that stubborn, we’re just assuming they understood what we are saying when in fact they don’t have a slight idea about it. Based on our experience, here are the 5 Filipino Phrases that we (specially us mommies!) should stop using or explain it before using it on our kids.
5 Pinoy Phrase We Should Stop Using
Pinoy Phrase # 1: Para akong sirang plaka
They don’t even know what PLAKA is! Not unless you really have a cool household that still owns an old record player and still keeps vinyl records. Orienting the kids about vinyl and how it sound when broken can be challenging. Next time, if you feel the need to tell them na para kayong sirang plaka at paulit ulit na lang sa mga sinasabi nyo, try using the term “UNLIMITED”
Pinoy Phrase # 2: May gatas pa kayo sa labi
In a nutshell, may gatas pa kayo sa labi means young. Back then, only the kids got to drink milk.. pero sa panahon ngayon when even milk for the oldest of the oldest is being marketed, hindi na applicable and phrase na ito. Kahit si Lolo at Lola may gatas pa sa labi eh! Try using the phrase, “Town Hall 2 pa lang kayo.”
Pinoy Phrase # 3: Papunta pa lang kayo, pabalik na ako
They’ll never get what this phrase means… do you know what it means? been there..done that.. The most effective way to try to inculcate to your kids that you are far more experienced than them.. use their language.
“Hindi mo na pa download ang COC, town hall 10 na ako!”
Pinoy Phrase # 4: Sige, Subukan mo
Never dare.. huwag na huwag mong susubukan. That’s what this phrase is to me. The kids nowadays, it only means one thing, they would really do it. If you want to tell them don’t do it, say it. Napansin ko lang, ang mga kabataan ngayon, they take things as it is.
Pinoy Phrase #5: Ilipat mo na sa Channel 7 0 sa Channel 2 ang TV
Lastly, kung saan nagsimula ang post na ito.. Noong kabataan ko, dalawa lang ang channel na kilala ko.. Channel 7 (GMA) and Channel 2 (ABSCBN). Nowadays, may Channel 100 na rin yata! I still say that though, “nak lipat mo na sa Channel 2 and funny how only my little girl knows what TV channel I am talking about. Get a hold of that damn remote in order to prevent this kind of confusion from happening again.. or re orient yourself with the channels now.
Wena says
October 29, 2015 at 2:03 pmguilty of using Phrases 1 and 4. may karugtog pa ang “parang sirang plaka” ko… Ganito oh, “para na akong sirang plaka, i-record ko na lang kaya ang mga sinasabi ko.” hehehe
di nga yata nila naiintindihan. nakakatawa nga eh, di naman English usapan namin sa bahay pero ang panganay ko, parang mas nagsisink-in sa kanya ang pangaral at sermon pag nag-eEnglish ako. lolz.
Mommy Pehpot says
November 17, 2015 at 5:33 pmahahaha nakakatawa tayo di ba.. at mas nakakatawa na ngayon magulang na kailangan mag adjust sa mga anak aha
nina says
October 30, 2015 at 7:49 amsobrang dami ng tawa ko dito sa post mo! pero in fairness totoo nga, kaya kahit anong sabihin sa mga kiddos e hnd tumitigil, kasi nmn we tend to do them what was said to us, kaloka, paalam mo nga din to kila mudra LOL
Mommy Pehpot says
October 30, 2015 at 5:08 pmkaya ngaaa! hahahaha
Kat | Petite Momma says
October 30, 2015 at 11:01 amHahaha! 😀 natawa naman ako dito Mommy Pehpot! My gosh litanya ng mama ko yan na plano ko gamitin pa naman sa mga bagets. Di nga pala nila maiintindihan. So far #4 pa lang nagagamit ko. COC pala katapat! 😀
kittyloveswolf says
January 12, 2016 at 10:43 pmthis is funny and interesting 🙂
specially the #1 and #2
I’m half Japanese half Filipina and didn’t know the meaning and now i know hehe
YouTube: Reina Tsukada