Thank you Nanay, dahil inalagaan at pinuno mo ako ng pagmamahal noong ako ay bata, at dahil doon, ako ay lumaking mapagmahal at may pagpapahalaga sa pamilya..
Thank you Nanay dahil nagtiwala ka sa aking kakayahan noong ako ay bata pa, at dahil doon hindi ako natakot sumubok ng mga bagay bagay at Thank you Nanay dahil lagi mo akong inaalayan kapag ako ay nadadapa, at dahil doon, hindi ako tumigil sumubok ng mga bagay bagay kahit ilang beses ako bumagsak..
Thank you nanay dahil sa pagbibigay sa akin ng liwanag sa panahon naging napakadilim ng paligid at dahil doon natuto akong umasa, mas maging malakas at nakayanang harapin ang mga sumunod pang kadiliman..
Thank you nanay dahil ikaw ay nanatiling nasa likod ko at dahil doon kahit kailan hindi ako umatras sa ano mang laban, sa pagsulong ko, ikaw ay laging nakaalalay..
Thank you Nanay sa pagtangap sa akin sa kabila ng aking mga pagkakamali, sa kabila ng aking pagkukulang, at dahil doon natuto akong magpatawad..
Thank you Nanay sa walang sawang pagmamahal kahit ako ay nanay na rin….
Higit sa lahat, Thank you Nanay sa pagiging mabuting ina sa amin, sa pagbibigay ehemplo sa isang maarugang ina, at dahil doon, kami ay lumaking mga nanay na hindi mo man kasing bait at kasing galing ay hindi humihintong sumubok na mapantayan ang iyong pagiging uliran ina..
at dahil doon, ang aming mga anak ay lubos din nagpapasalamat sa iyo… thank you Nanay!
Napakaswerte namin na magkaroon ng isang Nanay na gaya mo. Noong isang araw habang tinitingnan ko ang mga litrato ng aking mga anak, napansin ko na sa oras ng sila ay isilang, yakap mo ang una nila natitikman. Naiisip ko, siguro, kaya naging madali para sa aking ang pagsilang sa kanila, na ang hirap at sakit ay dagling napawi, dahil alam ko, andiyan ka para umaalay sa akin. Alam ko, iyon din ang dahilan kung bakit naging madali sa akin para maging isang ina, dahil andyan ka. Maswerte din ang aming mga anak at ang mga asawa dahil hanggang sa kanila ay umabot ang iyong pag aaruga at pagmamahal..
Gabi- gabi ako’y lubos na nagpapasalamat dahil sa mayroon akong Nanay na gaya mo.. at hindi ko man nasasaasabi sayo araw araw ang aking pasasalamat, sinusubukan ko at susubukan kong maiparamdam sayo kung gaano kita kamahal..
Thank you nanay, mahal na mahal na kita!
zoan says
May 14, 2012 at 3:00 pmHuhuhu kakaiyak. Nakikita ko ang nanay ko sa nanay mo.. At nakikita ko ang sarili ko sa iyo.. Lalo na yung part na habang nanganganak tayo, andun sila, para sa atin at sa kanilang apo…
Chris says
May 14, 2012 at 8:25 pmwhat a heartwarming letter… you are blessed to have such a loving mom.
Karen says
May 19, 2012 at 6:25 amNakaka-touch…ako walang guts na sabihin ang ganito sa nanay ko…hindi kasi ako expressive at outspoken.