
Eto po ang lahok ko para sa LP ngayong linggo. Hindi ito ang karaniwang tulay na kung saan ay nagdudgtong sa dalawang lupa na nahahati ng isang uri ng tubig. Ito po ay parte ng isang kalasda na nakataas na kung saan ay kailangan mo magdesisyon kung papunta ka ba ng C5 o didiretsuhin mo lang ang Ortigas Avenue. Sa salita ng mga anak ko, ito ang parte kung saan, kami ay papunta ba ng Tagaytay o sa kanilang Lola. Sa totoo lang nahirapan talaga ako sa temang ito, katulad din ng tema noong nakaraang linggo. Ako po kase ay mabuting taong bahay maybahay at madalang na makasagap ng sariwang hangin. Ito po ay kuha isang gabing nagkaroon ng milagro, uy nag date kami! Papauwi mula sa panonood ng Wolverine, nasalubong namin ang napakaraming tao sa kalsada na animo may rally.Ang daloy ng trapiko ay naging mas mabagal at ito ay nakabuti sa akin dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makuhanan ang tulay na ito.
nice shot. i miss ortigas :)happy LP!
I don't like heavy traffic
teka anong madalas!?? araw araw dumadaan kame dito. hihih. minsan traffic minsan hindi.
madalas kame dumadaan dito 😀
wow date with hubby..how sweet tapos wolverine ang pinanood nyo marce?..he..he…
with this kind of bridge nababawasan ang heavy traffic
I usually keep my cool every time I encounter traffic. Ayoko dumami wrinkles ko. 🙂
yan pampalipas oras ko pag traffic ang magpicture ng mga bagay bagay sa kapaligiran 😀