Ito ang unang beses na sasali ako sa Litratong Pinoy. Hindi ako mahilig sa lahas, kung tutuusin wala akong alahas kahit isa. Noong nauso ang magaganda at makukulay at murang palamuti sa katawan, nakatuwaan ko din na bumili ng ilan. Ito ang isa sa mga una kong binili. Ito ay isang mahabang kuwintas. Natuwa ako sa pagkakahalo halo ng kulay nito. Sa ngayon hindi ko na rin ito sinusuot, katulad ng kanyang tingkad, ang katuwaan ko sa kanya ay panandalian lamang.
di rin ako gaanong mahilig sa mga alahas. madalas kasi akong makawala ng alahas. hehehe
fancy? di ako masyado mahilig saganyan
Hindi rin ako mahilig sa alahas.
i own some kase investment ang tingin ko sa kanila 😀