Eto na maari ang huli kong isusulat na may kaugnayan sa nakalipas na bakasyon, pasko at pinaka sa bagong taon.
Lumipas na naman ang isang taon sa buhay ko, sinubukan kong sumulat ng isang sanaysay na maglalarawan ng taon ko, may buwan buwan na pagsasalarawan baga. Ang hirap pala, una sa lahat ang hirap pala sumulat sa Filipino. Nakakaloka! Kaya eto, isusulat ko na lang ang mga mahahalagang bagay na natutununan ko ng nakalipas na taon (at iyong mga natatandaan ko).
Magbago ka. Alam ng mga kaibigan ko kung gano ako kaluka luka noon at marami pa rin ang nagtataka kung paanong naging ganito na ako kabait ngayon (asus). Isa lang naman ang bagay na nagpabago sa akin, mga anak ko (isa lang daw e tatlo un). Kung noon matapang ako at kaya kong harapin ang lahat ng panganib sa mundo (o makipag gyera kahit kanino), hindi na ngayon. Palagi ang nasa isip ko ay ang mga bata at iyong takot na baka mapahamak ako at paano na sila kung sakali. Isa pa, malambot na ang puso ko. Masarap ang magkaroon ng anak, at ninais kong ibahagi ang sayang nararamdaman ko sa ibang tao. May mga bagay at pangyayari na hindi ko inaasahan, at doon para akong sinampal. Tama nga ang sabi ng iba na kahit anong pagbabago mo, may mga tao na hindi ito makikita at patutloy ka pa ring titingnan base sa nakaraan mo. Kahit anong ipakita mo sa kanila na nagbago ka na, ang tingin pa rin nila ay kung ano ka dati. Anong natutunan ko sa mga taong ito? E di ang lumayo, lumayo upang hindi na nila ako muling masaktan. You cannot please everybody ika nga.
Tutition Fee. OO matrikula, yan ang sabi ng nanay ko sa amin ng asawa ko, sa buhay para matuto kailangan magmatrikula. HIndi ibig sabihn nito ay matrikula sa paaralan o ang matuto sa apat na sulok ng kwarto. Eto ay mas pa sa tunay na buhay, sa realidad. Hindi iilang beses ako nagmatrikula nakaraan taon at sana naman e hindi ako lumagapak sa mga iyon. Ang pinaka siguro e iyong kaatatan ko na bumili ng mga gamit ni Chico, ayun sa sobrang atat, pangit ang nabili ko at kailangan ko pa bumili muli ng panibago. Natuto naman na ako kahit kaunti (hehe). Pero alam ko marami pa ring bagay sa buhay namin ang kakailanganin namin pagmatrikulahan. Charge it to experience ika nga.. (sino may ari nung credit card na un?)
Asa pa. Asa o umasa sa iba. Sabi ng karamihan no man is an island pero ang tanong ko sa inyo paano kung mag isa ka sa island kanino ka aasa? Tama nga na hindi ka lang nag iisa sa mundo, pero sa akin naman wala ka rin naman dapat na ibang asahan kung hindi sarili mo lang. Taon taon yata e sumasampal sa akin ang realidad na to. Hindi naman ibig sabihin nito na agnostic ako sa mundo, ang sa akin lang matuto ka na sarili mo lang ang aasahan mo upang sa ganun wala kang ibang sisihin kung hindi sarili mo lang at hindi iyong nakaasa ka sa iba para sa buhay mo. Mahirap talaga na umasa sa iba, pero syempre ako naman ay habang buhay na nakaasa sa aking asawa (pero ibang usapan na pala iyon). Sana naman ngayong taon e wag na sumampal sa akin ang katotohonang ito.
Inaasahan ko na ngayong taon ay marami pa rin akong matutunan, pero inaasahan ko rin na ang pagkakamali ko noong nakaraang taon ay hindi ko na uulitin ngayon.
Maligayang Bagong Taon!
marvin says
January 8, 2009 at 10:23 ammommy peh i like this post! especially the matrikula. um-attend ka ba ng reunion?
redamethyst says
February 26, 2010 at 5:35 amwow ang ganda. nagsusulat ka rin pala ng tagalog. hehehe. sa araw araw nating buhay marami talaga tayong matututunan.
niko says
March 18, 2010 at 8:59 amsumakt ulo ko magbasa ng tagalog!
Jenny So says
October 21, 2011 at 10:12 amNahilo ulit ako… ang haba… 🙂