Hello August! Or should I say Maligayang Pagdating Agosto!
Ang pagtatakda ng Linggo ng Wika sa buwan ng Agosto ay tinalaga ni Pangulong Corazon Aquino. Ito ay ipinagdiriwang mula ika-13 hanggang ika19 ng Agosto taon taon. Ito din ay ginaganap sa buwan ng Agosto bilang pagpupugay sa kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel L. Quezon.
Ang Linggo ng Wika at Buwan ng Wika sa kasalukuyan ay opisyal na pagdiriwang sa bansa at nakatala sa listahan ng mga kultural na pagdiriwang.
Ano- ano ang mga karaniwang ginagawa tuwing Linggo ng Wika?
Sa mga paaralan ito ay ipinagdriwang sa pamamagitan ng mga paligsahan gaya nga paligsahan sa Sabayang Pagbikas, paligsahan sa paggawa ng slogan at iba pa. Ang mga mag -aaral ay pumaparada na nakasuot ng mga damit Filipino gaya ng Barong Tagalog para sa lalaki at Baro’t Saya naman sa babae.
Kadalasan ang mga paaralan ay nagsasagawa din ng paligsahan sa pagsasayaw ng mga kultural na sayaw gaya ng Tinikling at Pandango sa Ilaw. Isa sa mga pamosong kanta naman na ginagamit ng mga mag-aaral ay ang kantang Mamang Sorbetero habang nakasuot ng damit na kamesa de Tsino at nakasuot ng sumbrero.
Sa paaralan ng aking anak, sila ay karaniwan ng pinag susuot ng mga damit pang Bayani. Ang bawat mag -aaral ay nagdadamit Jose Rizal o kaya naman ay Andres Bonifacio. Sila din ay gumagawa ng Akronim para sa Buwan ng Wika.