More often than not, ang hirap painumin ng bata ng gamot, specially medicine for fever. Gaano ba kasama ang lasa ng paracetamol? I have no idea until we tried a few paracetamol brands and we discovered which one is the Best Tasting Paracetamol For Kids.
Also must read: Fun Time with Kinder Joy
Best Tasting Paracetamol For Kids
You have to watch the video to believe!
Kaya naman pala when we give a certain brand to our kids, ayaw inumin! Jusmeeee!
But even with the Best Tasting Paracetamol For Kids, mahirap pa din painumin ng gamot ang baby! Here are some tips:
Tried and Tested Tips Para Madali Mapainom ng Gamot Ang Baby
Use a syringe instead of spoon or measuring cup. Fastest to put the tip of the syringe inside their mouth and fastest to dispense the meds too! Ito talaga ang pinaka effective ever.
Keep the meds cold. Advice sa amin ng pedia yan. Mas masarap daw ang gamot pag malamig siya. So every after intake, ilagay sa ref ang gamot. Of course shake well bago magpainom.
Don’t let the kid rest. This is quite controversial but so far effective ito. Pag sumuka ang bata, sabi nila, let them rest muna and then try again. HINDI EFFECTIVE! Pag nagsuka, painumin nyo ulit agad, they just need to know na importante yun at kahit anong gawin nila, umiyak man sila or sumuka, they need to take the meds. After 2 trials, magpapakabait na yan sa medicine.
Be kind to yourself. Wag ka mainis because it is not your fault. Huwag mo na sisihin ang sarili kung bakit nagkasakit ang bata at umabot kayo sa ganyang situation. Focus on giving the meds. Relaks ka lang, makakaraos ka din.
Effective lahat yan ha and when it comes to a time na malaki na ang baby at hindi na kailangan ang syringe, lagi nyo pasobrahan ang gamot sa medicine cup para hindi man maubos, nakuha nila yung dosage na need nila. Sa experience kase namin kapag sakto lang, kailangan mo pa pilitin para ubusin yung natira, ending nasusuka na sila.
Now that you know what is the Best Tasting Paracetamol For Kids, ano na papainom nyo sa mga anak ninyo?