The last time I was this busy and spending so much time at Jollibee Party website was in 2010 for Sati’s 1st birthday party. I can’t remember how much I spend for her party but after reading my Jollibee Party post (Jollibee Party Tinkerbell theme), it’s almost 18,000 for 70 adults + 30 kids. Is it time for another Jollibee party? This time for Baby Marius? Pwede.. pwede ring hindi but this Jollibee Party Tipid Hack is super cheap! After spending an hour at Jollibee Party website, came up with a hack good for 70 adults and 30 kids, magkano? 18,000 Pesos lang! 8 years pagitan pero hindi nagkakalayo ang presyo.
featured photo from The Peach Kitchen
O bakit may Jollibee Party Tipid Hack? Kase mga inays, when you check Jollibee Party website, may food packages na sila. Upon careful investigation, I learned na ang food packages ay medyo mahal. Comparison:
Jollibee Party Tipid Hack
Kung Food Package D ang bill mo ay 225 Pesos per package, pero pag gumamit ka ng create your own meal, 178 pesos lang! Eto ang catch, if your are going to create your own meal, dapat mag spend ka muna na at least 5000 Pesos sa mga solo meals (party fee not included).
Jollibee Party Tipid Hack, Challenge Accepted!
Pagkatapos kong maka isang bucket ng chickenjoy, nakagawa din ako mahusay husay at tipid na computation!
Kung gusto mo namang sagarin at itodo ang pagpakain sa bisita mo at bet mo ang Food Package D, here’s the Jollibee Party Tipid Hack. Ang laki ng natipid mo di ba?
Halos 5000 ang matitipid mo using this hack! And 19,300 for 100 people is a very very good deal!
>>Food Package good for 100 Pax<<
Food Package D: P225
- Chicken with rice, drinks + fries
- spaghetti
- sundae
Total price including party fee: P24,000
>>Create Your own meal<<
- Spaghetti 50 x 100= P5000 (solo meal 5000)
- Chicken with rice, drinks + fries: P99 x 100= P9900
- sundae: P29 x 100= P2900
Total price including party fee: P19300
SAVINGS>>>24000-19300= 4700 Pesos!!!!!!!
Book your party na sa Jollibee Party Website!
Jollibee Party Frequently Asked Questions:
- May bayad ba ang venue? WALA, it’s free pero limited time only.
- Party Decorations? Pwede ka magdala but hindi ka pwede magbutas ng pader kung magsasabit ka.
- Photographer? Videographer? Photobooth? Pwedeng pwede but depende sa size ng venue ang photobooth.
- Pwede ba magdala ng cake? Highly discouraged, dapat Red Ribbon ang cake. If mapilit si costumer, may ibang pumapayag pero hindi ipapakain sa guests during the party. Same goes with cupcake, hindi pwedeng ipakain sa costumer. BAKIT? to ensure na lahat ng food na kakainin ng costumer ay galing sa Jollibee. Kung sakali kase magkaroon ng kaso ng food poisoning, sino ang sisihin? Paano malalaman kung kay Jollibee galing or sa food na dinala nyo.
- Pwede ba mag set up nf candy buffet, may ibang branch na pumapayag pero mas marami ang hindi. Same na rason sa taas.
- Pwede ba magdala ng sariling lootbags? Pwedeng pwede basta hindi kita ang laman sa loob.
- Pwede ba magprint ng sariling invitation? Pwede pwede din basta wag lang may character ni Mcdo.
- Pwede ba mamili ng character na wala sa choices? Depende, kung gamit ng ibang food establishment, hindi dapat. Licensed kase sa kanilayung character and they paid for that, respeto na lang.
If you have more questions, comment ka lang, marami sasagot sayo from experience 🙂