We’ll be moving to our own house soon (kaya mega aral na sa Mga Pamahiin Sa Paglipat Ng Bahay)! Kaunting finish na lang and it’s a new beginning for us! Recent development from our house:
Lamp posts are up! Lakas maka Zen di ba? Malamang Zen type ung mowdel ng house namin eh.. so dapat lang bagay sya. RFO ung house pero syempre hindi kasama ang lamps na ito. In a separate blog post baka sakali ikwento ko sa inyo san namin nabili ang zen inspired lamp post na ito.
And our garden needs TLC na! Lumalago na ang mga halaman eh.. ung garden ko atat na atat na sa paglipat ko ah
But before we can finally move, ang dami ko pang intindihin… I need moving boxes! A few years ago lagi ako nag ba blog (paid post ktnxbye) about moving.. now that we are finally moving.. nganga! Wala akong matandaan sa mga nasulat ko noon. I need that big plastic boxes/ container/ storage solution kaso mahalia! Tyaga na lang muna sa mga karton ng yosi and pancit canton for now.
Aside from moving boxes and organizing our stuff (sana pwede bago na lang lahat di ba?), may isa pa akong pinaghuhugutan ng stress… ang Mga Pamahiin Sa Paglipat Ng Bahay in English Superstitious Beliefs On Moving To A New House. Pakikurot ako kung mali ang English translation.
Mga Pamahiin Sa Paglipat Ng Bahay
Mga Pamahiin Sa Paglipat Ng Bahay. May tamang araw o petsa ang paglipat ng bahay. Ayon sa karamihan dapat ay may buwan… buong buwan. Maaring full moon, new moon o blue moon pa. Sa loob ng isang buwan, may dalawang pagkakataon ka lang para makalipat ng bahay.. new moon or full moon not unless may blue moon.
May isa pang pamahiin sa petsa or araw ng paglilipat, dapat daw ang numero ay pataas ang pagkakasulat.. at ang mga numerong ito ay ang 8 at 0. Maari ka lumipat sa mga araw na ang dulo ay 8 or 0. Kung susundin ang dalawang pamahiin sa tamang araw o petsa, ngayong 2015, ito lang ang mga dates na pwede ka lumipat:
- September 28 (full moon)
So kung may balak kayo lumipat this year at hindi pa kayo ready by September 28, ipag pa next year nyo na lang para swerte.
For 2016, here are the dates na magandang lumipat ng bahay based on moon and numbers ending in 8 or 0:
- January 10 (new moon)
- February 8 (new moon) >> etong swerteng swerte to!
- June 20 (full moon)
- August 18 is full moon >> isa pang swerte to since August is also number 8
- October 30 is blue moon or dark moon
But it’s not practical to consider the dates that ends in 8 or 0 at ang moon di ba? Siguro pag lumipat kame, we’ll just consider the moon.
Mga Pamahiin Sa Paglipat Ng Bahay (bago lumipat ng bahay):
- Punuin ng tubig ang timba sa loob ng banyo
- Isara ang mga toilet bowl at patungan ng babasagin bowl na puno ng asin
Mga Pamahiin Sa Paglipat Ng Bahay (araw ng paglipat ng bahay):
- Sa araw ng paglipat, dapat ito ay gawin sa umaga. Siguraduhin na lahat ng gamit mula sa lumang bahay ay nahakot na bago mag alas dose ng tangali.
- Sa araw ng paglipat, ang unang gamit na ipapasok sa bahay ay ang Poon na nabendisyunan na at isang tray na may:
- isang garapon o bowl na puno ng asukal
- isang garapon o bowl na puno bigas
- isang garapon o bowl na puno ng mantika
- isang bowl ng candies
- at mga barya
*Magsasama sana ako ng picture ng Poon pero nanghihingi pa lang ako sa pinsan ko ng image ni Mama Mary.. sabi ko housewarming gift nya sa akin un! hahaha
Iniisip ko pa lang ngayon, parang hindi ko yata kakayanin na lahat ng gamit ko eh maisampa ko sa truck at mailipat sa kabilang bahay bago mag alasdose.. pero kakayanin ko yan! Para sa ekonomiya at pamahiin!
In that case, I will need my best organizing skills. Bigyan ko kayo ng tips sa paglipat pag napalabas ko na ang aking skills.
Kung may tips naman kayo about sa mga pamahiin at pangontra sa fengshui (susulat ko to soon! ang daming dapat kontrahin sa bahay namin eh) wag mahiyang magiwan ng comment ha.