
Eto po ang aking huling entry para sa Litratong Pinoy. And tema ngayong linggo ay hardin. Nahirapan talaga akong humanap ng angkop na litrato para sa tema ngayong linggo. Sa hinaba haba man daw ng prusisyon, sa harap din pala ng bahay ang bagsak ko. Ito po ay tanglad na nakatanim sa maliit (talagang maliit) na hardin sa harap ng aming inuupahang bahay. Sa tingin ko sikat ang halamang ito dito, ito ay base sa dami ng mga taong nanghihingi ng tanglad sa amin. Nasubukan nyo na bang uminom ng tsaang tanglad, masarap at nakakaginhawa. Sabi din ng byenan ko maganda ito sa tinolang manok, nakakaalis daw ng lansa. Hindi ko lang magamit kase bawal ito sa mga bata, sa buntis at sa nagpapasuso. Pero sa mga nag dyedyeta, bagay ito sa inyo!
Sa totooo lang, noong una kong nalaman na hardin ang tema sa linggong ito, ito talaga ang naisip kong entry:
Ito po ay isang tradisyon ng pamilya ng aking ama. Ito po ay Ang Pananalangin Sa Halamanan (o di ba may hardin?). Kaso nga lang hindi kame nakauwi noong Semana Santa kaya hindi ko napanood at nakuhanan ang prusisyon. Ito ay pag aari ng aking pinsan na hiniram ko lang.