Happy Thursday fellow LP participants! This week’s theme is walk. This one is from our trip with our college friend and their kids in San Juan, La Union. It so happens that a relative lives nearby the resort we rented. We walked along South China Sea shore to visit my relatives and give the kids a taste of life in the province. Amidst the half kilometer walk they had to endure, the kids had fun on the way collecting shells and catching small crabs. They also had fun playing with the roosters and playing with the water pump.
Maligayang Huwebes mga ka LP! Sa linggong ito, ang lahat ay tungkol sa lakad o lakwatsa o simpleng lakad lang. Ang litrato sa ibabaw ay kuha mula sa lakwatsa namin kasama ang aming mga kaibigan at ang kanilang mga anak. Ito ay kuha sa San Juan, La Union. Mayroon pa lang kamag anak ang aking mudra (nanay) malapit sa resort na tinuluyan namin. Kaya’t eto, umagang umaga ay naglakad kame sa dalampisagan para maki almusal at ng maranasan at makita ng mga bata ang buhay probinsya. At kahit na medyo malayo an gaming nilakad, talaga naman nasiyahan ang mga bata sa pagkuha ng mga bato at panghuhuli (na ayaw pahuli, dahil ba sila ay mapanghi?) ng mga maliliit na alimango. Natuwa din silang makipaglaro sa mga manok at paglaruan ang poso o bomba.