Ang bilis ng panahon.. Huwebes na naman pala, araw na naman ng LP. At ngayong Linggo ang ating tema ay Lansangan.
Ang larawan sa taas ay kuha noong minsan kame ay ngpunta sa Quiapo (doon kase ako nagpapagawa ng salamin). Ito ang ceossing sa ilalim ng MRT Legarda Station. Kame ay nagngaling sa REcto Avenue, at sa aming kaliwa ay ang daan patungong Palasyo. Hindi naman ako masyadong pamilyar sa lugar na ito pero may maliit na bahagi ito sa aking puso. Ito ang nagsilbing “palaraun” ko noong “araw”.