With so many news regarding taxi drivers and their dishonesty, hindi naman na ganoon kadali magtiwala sa kanila di ba? That’s exactly what happened to my dear friend.
Around 9 PM kagabi, si friend , let’s call her Mahros, sent an SOS. Her bags were missing! Ayan ang back story sa taas na nangyari sa Mindanao Avenue. She tried to give her music player to the robber.. but they politely refused (sorry comedy lang talaga to). And while retracing her steps and figuring out how to block her phone and cards, her mother called.
According to Mahros’ mother, the taxi driver called her because she was the emergency contact person from Mahros’ ID. They agreed to meet in Quezon City 7 AM the next day (which is today, Saturday). Si friend, na tatawagin nating Mahros, andito sa bahay, nagpapagpag ng kawindangan.
So OK na di ba? Everything is well.. we all just have to wait.
Kaso, a friend told Mahros that when he called Mahros’ number, the one who answered the phone said she got her bags from QC Circle. NYEEEE! QC Circle? Eh sa Mindano Ave nga nangyari ang robbery at kung saan nagbato ng gamit si friend. Anyare kuyang taxi driver? May exortion bang kaganapan?
Saturday morning, together with her mom and sister, Mahros meet up with the man. Si manong, nagpakaba pa! Nalate! In the end, binalik din nya ang gamit ni friend ng kumpleto at full charge ang phone ni friend.. but not without making sure na si friend talaga ang may ari ng bag. Maraming tanong si kuya bago nya binigay ang bag like ilang stitches ng bag sa side.. anong klaseng sinulid, etc.. (joke lang, tinanong lang nya ang contents)
According to Manong Taxi Driver, which we can call Kuya Marino Abuzo, nalampasan nya ang bags pero nag decide pa rin sya na pulutin ito. At may mga tao din na nag interes sa gamit ni friend.. pero si kuya ay matindi ang proteksyon sa bags.. inpak! ang kanyang pretend call with the HE friend.. was a decoy.. ang wais ni manong!
Maraming salamat kay Kuya Marino Abuzo, na nagda-drive ng taxi na may plate number UVW – 826, sa pagsoli ng aking dalawang bag na nakita niyang nakabalandra sa kahabaan ng Mindanao Ave.
Sabi niya, nakita daw niya ang bag ko at nalampasan na niya pero binalikan pa rin niya at kinuha. Meron pa raw isang jeepney driver at ilang naka-motorsiklo na pinilit siya na iwan ang bags ko pero inuwi pa rin niya at hinanap ang ID ko at kinontak si Mother Hen. Tunay na bayani talaga siya kasi maliban sa wala akong nawalang gamit, ni-charge pa niya ang aking phone.
Promote ko lang kanyang taxi service 09063291235.
Saan ka makakakita nga ganitong klaseng tao? It was not his stuff.. but he guarded it as if it was his. At kung tutuusin pwede na nya itakbo ang bag na yun! PERO HINDI NYA GINAWA! BINALIK NYA ANG BAG ni friend!!
MANONG MARINO ABUZO. magpalit na po kayo ng aplyedio.. dahil sure kame na hindi kayo marunong mang abuso. PEACE!